Nanganganib na maipasara ang kabuuang 1,600 na mga business estabishments na nag-ooperate nang walang business permit sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Ret. Col. Andres Baccay ng Business Permitand Licensing Office na nakahanda na ang mga show cause order laban sa mga negosyanteng hindi sumusunod sa patakaran ng pagnenegosyo.

Sa naturanag kautusan, bibigyan ng isang buwan o 30-days ang mga establisyimento upang umuha ng business permit o i-renew ang kanilang lisensiya.

Batay sa monitoring ng BPLO, karamihan sa mga walang business permit sa lungsod ay mga nagmamay-atri ng boarding house o paupahan.

—with reports from Bombo Rose Ann Ballad

-- ADVERTISEMENT --