Natagpuang wala nang buhay ang isang 17-anyos na babae sa damuhan sa harap ng kanilang bahay sa Lipa City, Batangas noong Enero 22, 2025.

Lumabas sa imbestigasyon na pananakal ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Ayon sa kapatid ng nito, humiling umano ang biktima na makadalo sa isang birthday party ngunit hindi na nakauwi.

Umamin naman ang suspek, na dating ka live-in partner ng biktima na siyang may kagagawan ng krimen.

Tinitignan ngayon ng pulisya ang selos bilang motibo sa krimen.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.