TUGUEGARAO CITY-Nasa kustodiya na ng kapulisan ang isang menor-de edad matapos makuhanan ng illegal na droga nang sitahin sa paglabag sa curfew hours sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Ayon kay P/major Joefferson Gannaban,hepe ng PNP-Gonzaga, nakita ang suspek na 17-anyos na lalaki na palakad-lakad sa Barangay Paradise sa oras na alas onse ng gabi kung kaya’t sinita ng kapulisang nagpapatrolya.

Nagkaroon ng habulan nang tumakbo ang binatilyo.

Nang ma-korner ay biglang may itinapon umano ang suspek kung saan batay sa imbestigasyon , ito ay hinihinalang shabu na umabot sa 12 at marijuana na nakabalot papel.

Nabatid na tubong Tuguegarao City ang lalaki ngunit kasalukuyang nag-aaral sa nasabing bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Mahigpit ang pagpapatupad ng PNP-Gonzaga sa curfew hours sa lugar bilang pag-iingat sa covid-19.