Patay ang 17 batang mag-aaral matapos na masunog ang isang eskuwelahan sa central Kenya.
Pinangangambahan na madagdagan pa ang bilang ng mga namatay matapos na magtamo ng matinding paso sa kanilang katawan ang iba pang mag-aaral na ginagamot ngayon sa ospital.
Ayon kay police spokesperson Resila Onyango, iniimbestigahan na ang dahilan ng sunog sa Hillside Endarasha Primary sa Nyeri county.
Sinabi niya na may ipinadala na mga imbestigador sa nasabing paaralan.
Nagbibigay na rin ang Kenya Red Cross ng psychological support services sa mga batang mag-aaral, mga guro at mga apektadong pamilya, at naglagay na sila sila ng tracing desk sa eskuwelahan.
Karawani na ang sunog sa mga boarding schools sa Kenya.
Noong 2017, 10 estudyante ang namatay sa arson attack sa Moi Girls High School sa kabisera na Nairobi.
Nasa 67 na estudyante ang namatay sa Machakos county, south-east ng Nairobi, sa pinakamatinding sunog sa paaralan na nangyari mahigit 20 na ang nakalilipas.