Tuguegarao City- Tinatayang nasa 173 COVID-19 active cases ang binabantayan ngayon ang kondisyon sa region 2 habang nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng nasawi.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, 52 active cases ang mula sa lalawigan ng Cagayan, 78 sa Isabela, 11 sa Santiago City, 31 sa Nueva Vizcaya at isa sa lalawigan ng Quirino.
Kaugnay nito ay umabot na sa anim ang bilang ng nasawi dahil sa sakit kung saan tig-dalawa ang mula sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.
Batay sa pagtaya ng DOH Region 2 ay nasa 4.9% ngayon ang positivity rate ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 60% ang asymptomatic, 38% ang mild condition, 1% ang severe at ang critical ay 1%.
Samantala,nasa 34 na mga COVID-19 confirmed patients naman ngayon ang nasa pangangalaga ng CVMC.
Sa huling datos ay kinabibilangan ito ng 28 kaso mula sa Cagayan partikular ang 23 na pasyenteng mula sa iba’t ibang barangay ng Tuguegarao City, tig-isa mula sa mga bayan ng Amulung, Iguig, Alcala at Tuao, apat mula sa Isabela at dalawa mula sa lalawigan ng Kalinga.
Kaugnay pa nito ay 11 na suspected cases naman ngayon ang kanilang binabantayan kabilang ang walo mula sa Cagayan, dalawa sa isabela at isa sa Apayao.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng natatamaan ng virus ay sinabi ni Baggao na nasa pitong isolation rooms nalamang ang available sa nasabing pagamutan.