
Nasa Riyadh na ang 179 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Bahrain at Kuwait na sasama sa government-facilitated repatriation flight papuntang Pilipinas sa Lunes, Marso 23, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Binubuo ang grupo ng 80 OFWs mula Bahrain at 99 mula Kuwait, na sasama sa iba pang repatriates mula Qatar at Saudi Arabia.
Ito ang ika-apat na batch ng repatriation sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Ayon sa OWWA, ito ang kauna-unahang pagkakataon na sabay-sabay na isasakay sa iisang charter flight ang OFWs mula sa apat na bansa bilang bahagi ng repatriation operations ng pamahalaan.
Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na ligtas na maibalik ang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa na apektado ng pandaigdigang krisis sa rehiyon.










