TUGUEGARAO CITY-Pinabulaanan ni Lt.Col.Jesus Pagala, commanding officer ng 17th Inafantry Battalion na may puwang o hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ng Cagayan Police Provincial Office.

Ito ay matapos na tila ikinadismaya ng 17th IB ang pagsuko ni ka Daniela,15 years na miembro ng New People’s Army sa PNP Sto.Niño at hindi ipinabatid sa hanay ng militar.

Sinabi ni Pagala na maayos ang kanilang relasyon sa PNP Cagayan dahil iisa lang naman ang kanilang hangarin at ito ay para wakasan na ang insurhensiya.

Idinagdag pa ni Pagala na walang kompetisyon sa pagitan ng 17th IB at ang PNP Cagayan.

tinig ni Pagala

Kaugnay nito, sinabi ni Pagala na may mga menor de edad pa umano na nasa puder ng mga NPA at sila ang sisikaping iligtas ng kanilang hanay.

-- ADVERTISEMENT --