Nagpagupit sa kauna-unahang pagkakataon ang isang 18-anyos na babae sa Japan na minsa’y tinanghal na may pinakamahabang buhok sa mundo.
Unang nagpahaba ng buhok si Keito Kawahara ng Izumi, Kagoshima Prefecture noong siya ay maliit , upang itago ang peklat niya sa ulo na natamo noong siya ay kasisilang pa lamang.
Nagtuluy-tuloy ang pagpapahaba niya ng buhok hanggang sa umabot ito ng higit 5 talampakan.
Dahil dito, tinanghal siya ng Guinness World Records bilang teenager na may pinakamahabang buhok sa buong mundo.
Nagpasya siyang putulin ang kanyang buhok para ipamigay sa isang charity na gumagawa ng wig para sa mga may sakit
Ngayon ay hawak na ng 16-anyos na si Nilanshi Patel ng Gujarat, India ang world record matapos niyang maagaw ito kay Kawahara noong nakaraang Disyembre.
Nang sukatin ng Guinness ang kanyang buhok, nakumpirmang ang 5 talampakan at 7 pulgada niyang buhok ang pinakamahaba sa buong mundo.