Naghain ng panibagong cyber libel complaints si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong laban sa 18 dating bodyguards ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co at sa kanilang abogado na si Levito Baligod.

Ayon kay Adiong, may kabuuang P25 milyon na danyos ang hinihingi niya dahil sa umano’y malisyosong akusasyon na tumanggap siya ng pera mula sa mga transaksyon sa imprastraktura.

Inihain ang kaso sa Marawi City, kung saan sinabi ni Adiong na pawang kasinungalingan ang mga paratang laban sa kanya, kabilang na ang umano’y pagtanggap ng suitcases na puno ng pera.

Giit ng kongresista, hindi niya kailanman nakilala o nakausap ang mga respondent at wala siyang kinalaman sa mga transaksyong inirereklamo.

Una nang nagsampa rin ng hiwalay na reklamo si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. kaugnay sa parehong alegasyon.

-- ADVERTISEMENT --