TUGUEGARAO CITY-Idineklarang drug cleared ang 18 Barangay sa bayan ng Amulung, Cagayan na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency,Philippine NAtional Police at mga Brgy officials.
Ayon kay Pcapt Llewelyn Guzman, hepe ng PNP-Amulung, pumasa sa validation ang 18 barangay dahil wala nang namomonitor na gumagamit at nagbebenta ng illegal na droga kung kaya’t nabigyan ang mga ito ng certificate.
Sinabi ni Guzman na mula sa 47 kabuuang bilang ng barangay ng Amulung, 20 dito ay drug free, 18 ang drug cleared, anim ang kasalukuyang inaayos ang dokumento at tatlo ang patuloy na minomonitor.
Kaugnay nito, patuloy ang kanilang pagbibigay ng impormasyon ukol sa masamang dulot ng illegal na droga para mabigyan ng gabay publiko lalo na ang mga kabataan.
Samantala, sinabi ni Guzman na kasalukuyan na rin ang kanilang pagsasaayos sa kanilang bahay silangan dahil isa ito sa mga kinakailangan para maideklarang drug cleared ang nasasakupang bayan.
Pinasalamatan naman ni Guzman ang mga miembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa kanilang ibinibigay na suporta laban sa illegal na droga.