Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na lumantad ang sinasabing 18 ex-Marines upang hikayatin ang ibanng mga sundalo na mag-rebelde laban sa pamahalaan.

Idinawit ng mga nasabing indibidual ang ilang opisyal ng pamahalaan at ilang pribadong indibidual sa umano’y scheme sangkot ang pera na para umano sa personnel ng International Criminal Court na bumisita sa bansa.

Tumanggi si Remulla na tukuyin ang iba pang indibidual na posibleng nasa likod ng 18 subalit sinabi na ang hakbang ng mga ito ay halong pulitika.

Sinabi ni Remulla na hindi siya personal na sangkot sa isinasagawang imbestigasyon ng mga opisyal ng Office of the Ombudsman kung totoo ang mga pahayag ng mga nasabing indibidual.

Ayon kay Remulla, inaalam nila ang identities ng mga ito, dahil hindi lahat ng mga ito ay Marines, ang ilan ay wala na sa active service, at marami sa kanila ay tinanggal, at may iba sa kanila na may mga kasong murder.

-- ADVERTISEMENT --