
Patay ang 18 katao at isa ang isa ang nagtamo ng matinding sugat kasunod ng pagsabog sa isang ilegal na coal mine sa state of Meghalaya sa India.
Ayon sa Indian police, kasalukuyan na ang rescue operations sa lugar dahil sa pinaniwalaan na may na may mga nakulong sa loob ng minahan.
Sinabi ni Superintendent of the state police Vikash Kumar, nangyari ang aksidente dahil sa rat-hole mining, isang mapanganib na paraan na ginagamitan ng dinamita para magkaroon ng makipot na tunnels kung saan dito papasok ang mga minero para kumuha ng coal.
Ayon naman sa isang aktibista, patuloy ang rat-hole mining sa nasabing estado ng India sa kabila na ipinagbawal na ito.
Naniniwala ang pulisya na nangyari ang pagsabog sa loob ng minahan dahil sa dinamita.
Inihayag naman ni Prime Minister Narendra Modi na magbibigay ang pamahalaan ng financial assistance na 200,000 rupees para sa mga namatay habang 50,000 rupees naman sa nasugatan.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nagmamay-ari sa nasabing minahan.









