Halos 18 katao ang naitalang nasawi dahil sa malawakang wildfire sa bahagi ng central at southern Chile nitong Linggo, Enero 18.

Batay sa ulat, apektado ang mga rehiyon ng Biobío at Ñuble, kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil sa matinding init, malalakas na hangin, at matagal na tagtuyot.

Idineklara ni Chile President Gabriel Boric ang state of catastrophe sa dalawang rehiyong matinding naapektuhan.

Ayon sa mga awtoridad, umaabot sa halos 40 degrees Celsius ang temperatura sa lugar, kasabay ng pabago-bagong direksyon ng hangin.