Bubuksan na ng Department of Public Works and Highways sa buwan ng Hulyo ang Mega Tallang Bridge sa bayan ng Baggao, Cagayan.
Ayon kay Wilson Valdez, tagapagsalita ng DPWH-RO2 na natapos na ang konstruksyon sa nasabing tulay kung saan kasalukuyan na lamang itong pinipinturahan.
Ang P182 milyon na Tallang bridge ay may habang 270-meter na inumpisahan ang konstruksyon noong June 2017 na kokonekta sa Northern Barangay sa Baggao.
Samantala, sinabi ni Valdez na nasa 2nd phase na rin ang konstruksyon ng Abusag Bridge sa naturang bayan at inaasahang matatapos sa 2020.
—with reports from Bombo John Andrew Caronan
-- ADVERTISEMENT --