Tuguegarao City- Nasa 19 na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayon ang nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Sa pinakahuling datos ng CVMC, walo ang galing ng Cagayan partikular sa mga bayan ng Enrile na may apat na kaso, isa sa Gonzaga at Iguig habang dalawa naman sa bayan ng Lallo.

Dagdag pa rito, 11 na mga pasyente pa ang galing ng Isabela kung saan apat ang mula sa bayan ng Quezon, tatlo sa Ilagan City, dalawa sa Delfin Albano at tig-isa sa bayan ng Aurora at Cabagan.

Isang suspected case naman ang binabantayan ngayon ang kondisyon ng nasabing pagamutan na mula sa bayan ng Mallig, Isabela.

Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief, pinakahuling naadmit sa kanilang tanggapan ang mag-asawang mula Delfin Albano na nagkaroon ng paglalakbay mula Caloocan City.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak naman ni Dr. Baggao ang kahandaan ng kanilang tanggapan upang imonitor ang kalagayan ng mga pasyenteng naaadmit sa CVMC.