Inilikas na ang 19 na pamilya o 58 individuals sa evacuation centers sa Tuguegarao City, ngayong araw dahil sa patuloy na nararanasang pag ulan bunsod ng bagyong nika.
Ayon sa Tuguegarao City Social Welfare and Development Office, ang mga evacuees ay mula sa mga barangay ng Gosi Norte at Pallua Norte kung saan ito ang mga lugar na madalas bahain tuwing malakas ang ulan.
Kaugnay nito, bilang pagtugon sa direktiba ni Mayor Maila Ting Que, nagsimula nang mamahagi ang lungsod, katuwang ang DSWD, ng mahigit 500 food packs sa iba’t ibang barangay, partikular sa mga mababang lugar na madalas bahain sa lungsod.
Samantala, natagpuan na ang bangkay ng isnag batang babae matapos ang tatlong araw na paghahanap mula ng ito ay mapaulat na nalunod sa ilog ng barangay Dalla Baggao, Cagayan noong sabado.
Ayon sa mga otoridad natagpuan ang katawan ng bata kaninang umaga ng Lunes, Nobyembre 11, 2024 matapos makita ng isang residente sa ilog sa may bahagi ng Brgy. Nangalinan kung saan blotted at nasa decomposition stage na ang katawan ng bata nang marekober ito mula sa ilang araw na pagkakababad sa tubig.
Ang biktima ay isang 13-anyos na babae at residente sa Zone 02 ng naturang barangay.
Matantandaan na sinabi ni Pltcol Osmundo mamanao, chief of police ng baggao police station na huling nakita ang bata noong Sabado na pinaniniwalaang naghugas lamang ito sa bahagi ng river flood control kaya posibleng nadulas o nahulog ang bata.
Aniya, batay sa naging pahayag ng mga magulang ng biktima ay marunong itong lumangoy subali’t dahil malalim at malakas ang agos ng tubig ay tuluyan na itong natangay.
Agad naman na nagsagawa ng search and rescue operation ang MDRRMO-Baggao gamit ang dalawang rubber boat subalit naging pahirapan ang paghahanap dahil sa mataas na lebel ng tubig.