Umabot na sa 19 ang kumpirmadong namatay kasunod ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu kagabi.
Ayon sa Cebu Provincial Information Office (PIO), siyam na adults at apat na menor de edad ang namatay.
Base sa initial report mula sa Capitol, karamihan sa mga biktima ay natabunan matapos na bumagsak ang kanilang mga bahay.
Sa Bogo City ang epicenter ng lindol.
Lima ang kumpirmadong namatay sa San Remigio, kabilang ang 10 taong gulang.
Sinabi ni Raymond Frasco of the San Remigio Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang tatlong namatay ay personnel ng Philippine Coast Guard (PCG), habang ang isa ay miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon sa report, nakulong ang mga ito sa gumuho na kongkreto sa loob ng gym, kung saan may naglalaro ng basketball sa pagitan ng dalawang ahensiya nang maganap ang malakas na lindol.
Isinailalim na sa state of calamity ang San Remigio dahil sa pinsala ng nasabing pagyanig.
Samantala, kinumpirma ni Mayor Rex Gerona sa kanyang Facebook account na isang senior citizen sa Tabuelan ang namatay sa nasabing lindol.
Sinabi naman ni Cebu Governor Pamela Baricuatro, nakipag-ugnayan na sa kanya ang Office of the President para matiyak ang tulong mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pagkatapos ng emergency meeting sa Capitol, pupunta ang gobernador sa Danao City, kung saan magtatatag ng Emergency Operations Cnter para sa pagtugon sa impact ng lindol sa northern Cebu.