Mahaharap sa kasong extorsion in relation to RA 10175 at violation ng 9995 o voyeurism act ang isang estudyante sa Tuguegarao City, Cagayan.
KInilala ni Police Captain Ana Marie Anog ng Pnp Tuguegarao, ang biktima na si alyas David, 19 years old, estudyante at residente ng Golden Harvest Subdivision sa brgy.Caggay Tuguegarao City habang ang suspect naman ay si Alyas Sheena, 19 years old, estudyante at residente ng Centro Pamplona na naninirahan sa Brgy.Leonarda.
Aniya, ang suspect ay nagpanggap na babae at gumagamit ng iba’t ibang troll accounts sa Facebook para makapambiktima kung saan target nito ang mga kabataan na may kakayahang magbayad.
Dagdag pa ni Anog, na nagmessage ang suspect sa biktima at sinabing gusto niyang makipagkaibigan kung kaya’t napaniwala naman ang biktima hanggang sa mapaibig niya ito.
Base pa sa imbestigasyon, nagpapadala ang suspect ng ibat ibang maseselang bagong litrato niya ngunit hindi nakikita ang kanyang mukha at wala ring pag uusap ang mga ito sa video calls.
Napaniwala naman ang biktima sa suspect na gusto talaga siya nito kung kaya’t nagpadala din siya ng maseselang litrato.
Paliwanag pa ni Anog, na noong nagpadala na ng maseselang litrato ang biktima ay saka siya tinakot ng suspect na kung hindi siya magbibigay ng P10k, ay ipapakalat niya ang pinadalang maseselang litrato nito sa social media.
Natakot ang biktima at agad na nagsumbong sa kanyang tatay kung kaya’t agad naman itong nagreport at nakipag ugnayan sa kapulisan saka nagsagawa ng entrapment operation.
Nagpadala ng P10k sa gcash ang biktima ngunit bago pa man nagpadala ng pera ang biktima ay sinubukan ng ama na sabihin sa suspect na idadaan nalang ang pera sa kanya upang malaman ang kinarororonan nito.
Hindi naman pumayag ang suspect at nagpadala nalang ito ng numero kung saan isesend ang pera at nang ibinigay na nito ang number ay sinubukan itong tawagan ng operatiba at agad naman may sumagot dito saka natunton ang lokasyon ng number at napag alaman na isa itong tindahan kung saan nag cacash out ang suspect.
Agad na nagtungo ang operatiba nang malaman kung nasaan ang lokasyon at ipinaalam sa suspect na naipadala na ang pera kung kaya’t inantay ng mga ito na may pumunta sa tindahan at nang makita ng opertaiba na may lumapit sa tindahan para maglabas ng ganung halaga ng pera ay saka din lumapit ang otoridad.
Tumanggi pa sa una ang suspect ngunit para mapatunayan ay tinawagan ng biktima ang suspect sa messenger at tumunog naman ang cellphone nito at doon na nakumpirma na siya talaga ang katransaksion ng biktima.
Nakuha naman agad ang sampung libong piso na cinash-out nito sa tindahan.