TUGUEGARAO CITY-Patay ang isang empleyado ng Cagayan 1 Electric Cooperative, Inc. (CAGELCO 1) habang sugatan ang dalawang kasamahan nito matapos bumaliktad ang kanilang sasakyan sa bayan ng Sto niño,Cagayan.

Kinilala ang namatay na biktima na si Jenma Berdonyo ng Brgy. Tabang habang ang mga sugatan ay sina Jonald Passion ng Brgy Namuccayan, Sto niño at Herbert Mabbasa ,45 ng Enrile pawang empleyado ng Cagelco 1.

Ayon kay Police Capt. Ranolfo Gabatin, hepe ng PNP-Sto-niño, pauwi na umano ang tatlo mula sa sub-station ng Cagelco 1 sa Sto niño nang bumaliktad ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng Brgy. Masical.

Aniya, maaring nawalan umano ng kontrol sa manebela ang driver na si Mabbasa dahil madulas ang daan matapos makaranas ng pag-uulan sa lugar.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang tatlo ngunit dahil sa malubhang tinamong sugat ni Berdonyo ay agad itong binawian ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nagpapagaling na sa Cagayan Valley Medical Center ang dalawang biktima habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.