Mahigit 700 rice farmers na apektado ng mababang presyo ng palay sa lalawigan ng Cagayan ang nabigyan ng financial assistance sa ilalim ng Rice Farmer Financial Assistance Program o RFFAP ng Department of Agriculture.

Pinangunahan ni DA Assistant Secretary Andrew Villacorta ang inilunsad na programa kung saan natanggap na ng 747 na magsasaka mula sa Alcala, Enrile at Tuguegarao City ang P5,000 financial assistance.

Nabatid na 1st batch pa lamang ito ng mga benepisaryo na makakatanggap ng libreng ayuda mula sa mahigit isan-daang libong rice farmers sa Region II na target tapusin hanggang Marso.

Sa kanyang talumpati, nilinaw ni Villacorta na hindi utang ang P5,000 kundi tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka upang maibsan ang epekto ng Rice Tarrification law.

Matatandaang 33 probinsiya sa buong bansa ang napili ng DA para sa mga magsasakang sumasaka ng kalahati hanggang sa dalawang ektarya.

-- ADVERTISEMENT --