TUGUEGARAO CITY- Anomang oras mula ngayon ay lalabas na sa pagamutan ang isang babae na unang kaso ng person under investigation ng novel coronavirus sa Cagayan.

Sinabi ni Dr. Glen Mathew Baggao, chief ng Cagayan Valley Medical Center na inilagay sa isolation room sa loob ng 48 hours ang babae, 25 anyos ng PeƱablanca at galing ng Macau matapos na makitaan ng simtomas ng nCov.

Subalit, sinabi ni Baggao na mabuti na ang kalagayan ng babae dahil normal na respiratory infection ang kanyang naging karamdaman.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Baggao, tuloy pa rin ang kanilang monitoring sa nasabing babae kahit na makalabas na siya ng pagamutan.

Bukod dito, muling tiniyak ni Baggao ang kanilang patuloy na surveillance sa nCov.

Kasabay nito, nanawagan siya sa lahat na kung may makitaan ng simtomas ng nCov ay agad na payuhan na pumunta sa pinakamalapit na health facility.