TUGUEGARAO CITY-Nakapagpasuko ang PNP-Provincial Mobile Force Company-1 Cagayan ng iba’t-ibang klase ng baril na walang kaukulang dokument sa kanilang bagong programa na “armas sukat bagas”.
Ang bagong programa ng PMFC-1 ay sa ilalim ng 1st Commander na si P/Col Lord Wilson Adorio kung saan kanilang pinapalitan ang bawat isinusukung armas ng isang sakong bigas.
Kaugnay nito, isang 12 gauge shot gun, dalawang calibre 45 pistol , 7 rifle grenade , isang improvised na sumpak at 25 bala ng M14 rifle na ang isinuko sa kanilang tanggapan.
Layon nitong mabawasan ang mga insidente ng pamamaril kung saan karamihan sa mga ginagamit ay walang kaukulang dokumento.
Makakatulong din ito sa Cagayan-PNP para maibaba ang mga hindi dokumentadong baril sa probinsya.
Sa ngayon, nakatakdang dalhin sa PNP- explosive division ang isinukong armas para sa kaukulang disposisyon.