Dumalo ang mahigit isang libong cattle raisers, stakeholders, at industry experts sa kauna-unahang Beef Cattle Congress sa Cagayan Valley na isinagawa ng Department of Agriculture Region 2 sa Brgy. Dungo, Aglipay, Quirino
Layunin nitong hikayatin ang mga stakeholder na higit pang paigtingin ang produksyon ng baka sa lambak ng Cagayan bilang bahagi ng mas malawak na programa ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor ng agrikultura at matiyak ang pangmatagalang food security ng bansa.
Aniya ang pagtitipon ay nagsilbing plataporma para sa pagpapalitan ng kaalaman at karanasan ng mga magsasaka, eksperto, at mga kinatawan ng gobyerno.
Tinalakay rito ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagpaparami at pagpapalaki ng baka; tamang pagpapakain at herd management para sa mas mataas na produksyon; marketing support at pagbuo ng value chain para sa mas matatag na merkado ng karne ng baka; at mga programa ng pamahalaan gaya ng pautang at subsidy upang matulungan ang mga magsasaka sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan.
Ibinahagi rin ng mga eksperto ang kahalagahan ng pagpapatibay ng breeding program upang matiyak ang pagkakaroon ng de-kalidad na baka na makakapag-angat sa lokal na industriya.