TUGUEGARAO CITY-“Human Intervention” ang nakikitang sanhi ng unang kaso ng African swine fever (ASF) sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Una rito, nagpositibo ang dalawang baboy sa ASF na unang namatay sa Barangay Alba matapos dumaan sa pagsusuri ang kinuhang blood samples ng mga baboy.

Ayon kay Mayor Joan Dunuan ng Baggao ,human Intervention o may indibiwal na nagdala ng gamit o dumalaw sa mga lugar na may naitalang nagpositibo ng ASF at naiwan sa lugar na naging sanhi ng pagkalat ng virus.

Aniya, agad na ibinaon ang dalawang baboy at binigyan na rin ng tamang pamamaraan ang may- ari ng mga baboy sa tamang paglilinis sa lugar para mawala ang virus.

Siniguro naman ng alkalde na mabibigyan ng tulong pinansyal ang may-ari ng mga baboy para sa kanyang muling pagbangon.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Dunuan na araw araw ay nagsasagawa ang kanilang pamunuan ng blood collection sa mga baboy lalo na ang mga kalapit ng mga nagpositibo sa ASF.

Pinayuhan naman ng alkalde ang publiko na agad ipagbigay alam sa kinauukulan kung may napapansing kakaiba sa mga alagang baboy para matingnan ng maayos ang kondisyon nito at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Tinig ni Mayor Joan Duan