
Inihayag ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Albay na malabong may kaugnayan sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon at sa Tropical Depression Ada ang dalawang bangkay na natagpuan kamakailan sa lalawigan.
Sinabi ni Roderick Mendoza ng Albay Public Safety and Emergency Management Office na batay sa estado ng pagkabulok ng mga bangkay, posibleng nangyari ang pagkamatay ng mga ito bago pa man tumama ang Bagyong Ada.
Ang mga bangkay ay natagpuan sa San Miguel Island sa Tabaco City at sa Sula Channel sa bayan ng Bacacay.
Sa ngayon, patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi.










