Dalawang bangkay ng lalaki ang narekober ngayong araw sa bahagi ng Cagayan river kasabay ng nararanasang malawakang pagbaha sa probinsiya.

Unang natagpuan ang bangkay ni Herbert Garan, 21-anyos, binata at residente ng Brgy Afusing Daga, Alcala.

Ayon kay PMAJ George Maribbay ng PNP-Alcala, kaninang umaga nang marekober ang bangkay ni Garan sa Cagayan river sa likurang bahagi ng kanilang bahay.

Una rito, alas 4:00 ng hapon kahapon nang nagpaalam ang biktima upang maligo sa ilog sa kasagsagan ng pagbaha ngunit napansin lamang ng kanyang pamilya na nawawala kaninang umaga.

Sunod namang natagpuan sa bayan ng Lasam ang bangkay ng isang lolo sa bayan ng Amulung na unang napaulat na nawawala noong Linggo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa hiwalay na panayam kay PMAJ Efren Tangonan ng PNP-Lasam, narekober ng mga residente ng Brgy. Calapangan Norte ang palutang-lutang na bangkay ng isang lalaki na nakasuot ng blue t-shirt at black shorts at naaagnas na.

Base sa katawan at kasuotan ng biktima ay nakilala at kinumpirma mismo ng kapatid at anak na ang bangkay na natagpuan ay si Virgillio Magora, 60 anyos ng Brgy Estefania.