Dalawang barko ng Tsina ang naispatan sa Philippine exclusive economic zone(EZZ) sa Benham Rise o Philippine Rise, ayon sa eksperto.
Sinabi ni dating US Air Force official at ex-defense attache Ray Powell na dalawa sa research ships ng China—Xiang Yang Hong 03 at Zhang Jian ang pumasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa eastern seabord.
Sa ngayon wala pang inilalabas na pahayag ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil dito, gayundin ang Philippine Navy at Embahada ng Tsina sa manila.
Noong nakaraang lingo, dalawang fishing boat din ang na-monitor sa east coast ng Pilipinas—ang Lu Rong Yu 51794 at Lu Yan Yuan Yu 017 na namataan sa layong 20 nautical miles mula San Indefonso Peninsula sa Casiguran, Aurora.
Sa kabila nito, sinabi ni Philippine Navy spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na hindi nakaaalarma ang presensya ng mga bangka ng China dahil marami ring fishing boats ang namamatan sa lugar.