Ganap nang tropical depression ang binabantayang dalawang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) na ang tropical depression na nakita sa west Batangas ay pinangalanan na “Butchoy” habang ang weather disturbance sa silangang bahagi ng Eastern Visayas ay pinangalanang “Carina”.

Asahan ang mga pag-ulan sa hapon at gabi ng Sabado sa ilang bahagi ng northern Luzon habang ang habagat ay magdudulot ng pag-ulan sa western Luzon.

Magiging maulan ang western at southern Mindanao sa umaga ng Sabado habang sa hapon ay makakaranas ng pagkidlat sa Bukidnon at Caraga region.