Tuguegarao City- Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Abulug kaugnay sa panloloob sa dalawang cellphone shop sa Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.
Kinilala ang mga may-ari ng establishimento na sina Princess Lazo Mape, 30 anyos, residente ng Centro Pamplona, Cagayan at si Eric Rasgo na residente sa nabanggit na lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PMAJ Joefferson Gannaban, hepe ng PNP Abulug, anim na katao umano ang nanloob sa mga naturang establishimento batay sa kuha ng CCTV.
Sinabi ni Gannaban, identified ang isa sa mga kawatan ngunit hindi pa nila tukoy ang pangalan nito.
Sinabi pa ng hepe na ang nasabing grupo ay dati ng sangkot sa mga kaso ng panloloob.
Tinatayang aabot sa humigit kumulang P300,000 ang kabuuang halaga ng natangay sa mga nasabing establishimento.