Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Chinese at tatlong Pilipino dahil sa paglabag sa Espionage Act.
Nabawi rin ng NBI ang mga kagamitan na ginagamit ng mga suspek sa pagkuha ng mga impormasyon mula sa gadgets.
Kabilang dito ang ilang mga sasakyan na may nakakabit na unauthorized International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catchers.
Ayon sa NBI, kabilang sa tinitiktikan ng mga suspek ang mga kampo ng militar at pulis, gayundin ang essential systems, mga pasilidad, at national government assets sa Metro Manila.
Sa interdiction operations ng mga awtoridad, naaresto sina Omar Khan Kashim, Leo Laraya Panti, at Mark Angelo Boholst Binza.
Ayon sa kanila, kinontrata sila ng Chinese national na si Ni Qinhui, Chinese para tiktikan ang Villamor Airbase, Camp Aguinaldo, MalacaƱang, Camp Crame, at maging ang U.S. Embassy, kapalit ng bayad na 2,500,00 hanggang 3,000.00 kada buwan.
Sa pagtungo ng NBI Agents sa bahay ni Qinhui, natunton din ang isa pang Chinese na kasabwat nito na si Zheng Wei.
Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Commonwealth Act No. 616.