Tuguegarao- Kinumpirma ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center na negatibo na sa COVID-19 ang 2 sa mula sa limang natitirang positive cases na nasa kanilang tanggapan.
Ito ay batay sa lumabas na resulta ng kanilang pinakahuling swab test.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, kabilang sa mga nagnegatibo na sakit ay si PH 2310 na isang health worker mula sa Regional Health Office at si 3098 na mula naman sa Brg. Atulayan Norte dito sa lungsod.
Dagdag pa nito ay nakalabas na sa pagamutan si PH 2310 habang si 3098 ay namamalagi pa sa pagamutan dahil may isa pang karamdaman na minomonitor ng mga medical personnel.
Sa ngayon ay hinihintay pa aniya ang resulta ng swab test ng tatlo pang pasyenteng natitira na sina PH2271 ng Brgy Balzain, PH 2268 na isang OFW galing Hong Kong at si PH 838, na isang buntis at mula sa bayan ng Alicia, Isabela.
Samantala, sinabi pa ni Baggao na mayroon lamang umanong naitalang 3 na bangong kaso ng Persons Under Investigation (PUI) sa kanilang tanggapan.
Dalawa sa mga ito ay may nakasalamuhang positibo sa COVID-19 habang ay isa ay walang nakasalamuha ngunit nakitaan lamang ng sintomas nito.
Sa ngayon ay tiwala naman si Baggao na magtutulouy-tuloy tuloy na ang paggaling ng mga pasyente at maging ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Patuloy pa ring hinihikayat ang lahat sa pagsunod sa mga ipinatutupad na alituntunin upang makaiwas sa sakit na dulot ng COVID-19