Nagbitiw na sa puwesto ang isang warden ng Bureau of Immigration (BI), habang sinibak ang dalawang deputy dahil sa umano’y korapsyon sa loob ng detention facility ng ahensiya.

Kasunod ng vlog ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy na nagbunyag ng umano’y iregularidad sa loob ng kulungan.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, may tatlo pang opisyal ang nauna nang tinanggal kaya sa kabuuan ay anim na sinibak ng pamunuan ng BI.

Iginiit ng ahensya na bawal ang cellphone sa mga detainee, at pinapayagan lamang ito para makipag-usap sa pamilya, hindi para mag-vlog o gumawa ng video.

Bagama’t nakabalik na sa kanyang bansa ang vlogger, sinabi ni Castro na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalim na imbestigasyon upang panagutin ang mga opisyal na mapatunayang sangkot sa korapsyon.

-- ADVERTISEMENT --