CTTO

TUGUEGARAO CITY- Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide ang driver ng forward truck na nakabangga-patay sa dalawang estudyante sa Lallo, Cagayan.

Sinabi ni PMAJ Reymund Asistores, hepe ng PNP Lal-lo, bago ang pagkakabangga sa mga biktima na sina Jomer Taniedo, 19 at Alden Hidalgo, 20 ay tumulong sila sa pagbuhat sa tatlong katao na nasugatan matapos ang banggaan ng kanilang motorsiklo.

Nang maisakay na ang tatlo sa sasakyan para dalhin sa ospital ay gumilid ang mga biktima matapos na makita ang paparating na truck subalit sa direksion din ng mga biktima dumiretso ang truck.

Tinig ni PMAJ Reymund Asistores