Inaasahang matatapos na ngayong taon ang dalawampung milyong pisong halaga ng proyekto para sa Flood Control Facilities na pinondohan ng pamahalaan mula sa General Appropriations Act (GAA) 2020 sa Barangay Virgoneza, San Agustin Isabela.
Sa ngayon, nasa 90% na ang actual accomplishment sa nasabing proyekto.
Sa oras na matapos ang konstruksyon ng flood control project ay mabebenepisyuhan nito ang nasa mahigit isang libong residente na nakatira malapit sa Cagayan river dulot ng mga pagbaha tuwing may kalamidad.
Bukod dito, tinututukan din ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region II ang konstruksyon ng isa pang flood control facilities para sa mahigit 2,000 residente sa Barangay Malamag, Tumauini, Isabela.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P21 milyon na sinimulan nitong November 2020 at may Target Completion date na hanggang September 2021.