TUGUEGARAO CITY-Inihayag ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na may dalawang frontliners ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na bagong suspected positive case ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.
Ayon kay Mayor Soriano, nurse at doktor ang dalawa na panibagong suspected positive ng COVID-19.
Aniya, isa ang mula sa Tuguegarao City at ang isa ay mula naman sa bayan ng Lal-lo na kasalukuyang nakatira sa lungsod.
Kaugnay nito, sinabi ni Soriano na nasa mabuti namang kalagayan ang dalawa maging ang apat na unang nagpositibo sa virus sa lungsod.
Ayon kay Mayor Soriano, posibleng opisyal na iaanunsiyo ng DOH ang kumpirmasyon o resulta ng lab test ng dalawang suspected positive case bukas, araw ng Linggo.
Matatandaan, apat ang unang kinumpirma ng DOH na nagpositibo ng Covid 19 dito lang sa Tuguegarao.
Nasa kabuuang 25 naman ang PUI na kasalukuyang mimomonitor sa CVMC.