Tuguegarao City- Nasa stable ng kalagayan ang dalawang indibidwal matapos magtamo ng sugat sa katawan dahil sa pagkakahulog ng sinasakyang forward truck sa bangin na may lalim na 40meters sa bahagi ng Tanudan, Kalinga.
Sa panayam kay PCOL Davy Vicente Limmong, Director ng Kalinga PNP, sakay ng forward truck ay tinatahak ng driver na si Dany Dela Cruz kasama ang kanyang helper na si Edgar Bansalao ang provincial road mula sa Brgy. Se-et patungong Taloctoc upang magdeliver sana ng mga kargang buhangin at graba sa ginagawang bahagi ng daan.
Ngunit, nang makarating sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay bumigay aniya ang daan at gumuho na sanhi ng pagkahulog ng sinasakyan ng dalawa.
Nabatid na dahil sa madalas na mga pag-ulan ay maaari umanong lumambot ang lupa kung kaya’t ito ay gumuho.
Nagtamo ng mga gasgas at sugat sa katawan si Dela Cruz habang nabalian din ng kaliwang kamay si Bansalao na ngayon ay nasa maayos ng sitwasyon.