TUGUEGARAO CITY-Kulong ang dalawang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Diosdado Celso, 38-anyos ng Brgy. Bangag, ikinukonsiderang high value individual at Albert Vimtero, 23-anyos ng Brgy. Zinarag.

Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP-Aparri sa Brgy. Bangag ang operasyon kung saan isang pakete ng hinihinalang shabu ang iniabot ng mga suspek sa poseur buyer kapalit ng buy bust money na isang libong piso.

Nagkakahalaga ng P6800 ang nakumpiskang shabu sa mga suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEA.

Nahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa Repulic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --