
Aretsado ang dalawang lalaki matapos umanong manloob sa isang bahay sa Caloocan City, kung saan tinatayang umabot sa P150,000 ang halaga ng mga ninakaw.
Sa isang video na kuha ng CCTV, isang tricycle ang pumasok sa subdivision sa Barangay 168 noong Huwebes ng gabi, Enero 22, at huminto sa harap ng bahay. Habang ang drayber ng tricycle ang nagbantay, pumasok ang kanyang kasamang lalaki sa bahay at ninakaw ang mga gamit.
Sinabi ni P/Capt. Ryan Sangalang ng Caloocan Police Station 9 na wala nang tao sa bahay nang pasukin ito at natagpuan ng may-ari ang sirang pintuan ng garahe. Ayon sa mga kapitbahay, dinala ng mga suspek ang dalawang sako ng ninakaw na gamit palabas ng bahay.
Kabilang sa ninakaw ang mga souvenirs ng may-ari mula sa kanyang mga paglalakbay sa ibang bansa.
Natunton ng pulisya ang tricycle sa Phase 5, Bagong Silang, at inamin ng drayber ang krimen, na tinukoy ang kanyang kasamang suspek.
Parehong naaresto ang dalawang suspek kinabukasan, ngunit nakuha lamang ng pulisya ang isang gas stove at LPG tank, habang ang iba pang ninakaw na gamit ay naibenta na sa junk shop.
Ayon sa isa sa mga suspek, ginawa nila ang krimen upang magkaroon ng pera para sa pagkain.
Narekober din mula sa kanila ang tig-iisang gramo ng pinaghihinalaang shabu.
Kasulukuyan silang nahaharap sa kaso ng robbery at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, habang maaaring kasuhan din ang mga manggagawa ng junk shop sa paglabag sa Anti-Fencing Law.










