TUGUEGARAO CITY – Makaraan ang dalawang taong pagtatago ay naaresto na sa bayan ng Baggao ang isang 23-anyos na magsasaka na nahaharap sa kasong pangagahasa.

Kinilala ng Police Capt. Julifer Narag, deputy chie of police ng PNP Baggao ang nahuling akusado sa bisa ng warrant of arrest na si Jonathan Cabaro at residente sa Barangay Asinga Via.

Nahuli ng pulisya ang akusado sa kanilang lugar makaraan ang isang tip.

Sinabi ni Narag na inireklamo ito dahil sa pangagahasa umano sa noo’y 17-anyos na kanyang biktima.

Samanatala, nasabat ng pulisya sa Barangay Hacienda Intal ang ibat ibang uri ng mga ilegal na pinutol na kahoy.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Narag na tangka umanong ipuslit ng suspek na si Christopher Agamata ang mga kahoy na lulan ng kanyang kolong-kolong.

Wala raw mga dokumento ang pagputol at pagbiyahe ng nasabing mga kahoy na galing sa Asinga Via, Sitio Hot Spring.

Hawak na ng pulisya ang suspek at ang mga nakumpiskang kahoy habang sinampahan na ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines.