photo credit: BFP Tuguegarao

TUGUEGARAO CITY-Inaalam pa ng Bureau Of Fire Protection (BFP)-Tuguegarao ang sanhi at halaga ng magkasunod na sunog sa lungsod nitong mga nagdaang araw.

Ayon kay Fire Chief Inspector Pedro Espinosa, Fire Marshall ng BFP-Tuguegarao, dakong 9:45 ng gabi nitong araw ng Biyernes nang sumiklab ang sunog sa isang sari-sari store sa Don Domingo public market sa lungsod.

Aniya, tumagal ng pitong minuto ang sunog bago ito naapula kung saan ilang mga paninda ang nasunog.

Sinabi ni Espinosa na mabilis na rumesponde ang mga miembro ng pamatay sunog dahil nasa 100 meters lamang ang layo ng nasunog na store mula sa sub station ng BFP-tuguegarao.

Kinilala naman ang may-ari ng nasunog na store na si Jovy Baccay Navarro, 34-anyos.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, madaling araw ng Sabado naman ng masunog ang isang bakanteng boarding house sa Victoria Subdivision sa Brgy. Carig sur sa lungsod.

Tumagal ng 30 minuto ang sunog bago ito tuluyang naapula.