TUGUEGARAO CITY-Naaktuhang nagbibyahe ng mga pinutol na kahoy na walang kaukulang permit ang dalawang magsasaka sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Ayon kay P/Major Reymund Asistores, Chief of Police ng PNP Lal-lo, kasalukuyang nagpapatrolya ang kanilang kapulisan ng makita ang dalawang suspek na sina Jhonny Mar Ragsac, 30-anyoS at Ricson Vite, 32-anyos kapwa residente sa Brgy. Sta Teresa na nagbibyahe ng mga kahoy.

Nang sitahin ng mga kapulisan ang dalawa ay bigo silang magpakita ng permit kung kaya’t sila’y hinuli.

Depensa ng mga suspek, gagamitin umano ang mga kahoy sa paggawa ng bahay.

Nakumpiska mula sa dalawa ang 34 na piraso ng pinutol na gmelina na nagkakahalaga ng mahigit P10,000.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang dalawang suspek maging ang traktor at kuliglig na ginamit sa pagbyahe ng mga kahoy.