TUGUEGARAO CITY-Sugatan ang dalawang manggagawa matapos sumalpok ang sinakyang motorsiklo sa kasalubong na trailer truck sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Ayon kay police staff sergeant Allen Oliva ng Pnp-lal-lo, nawalan umano ng kontrol sa manebela si Joseph Battad,27-anyos residente ng Brgy Sta Teresa sa minamanehong motorsiklo habang binabaybay ang kahabaan ng Brgy San mariano ng nasabing bayan kasama ang kanyang angkas na si Jay-ar Hernadez,21-anyos residente ng Brgy San Mariano.
Dahil dito, napunta sakabilang linya ang mga biktima na sanhi ng pagkakasalpuk sa paparating na trailer truck na minaneho ni Jimmy Gallardo, 35-anyos residente ng Cabanatuan, Isabela.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa pagamutan habang maswerte namang walang tinamong sugat si Gallardo.
Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang suspek maging ang mga sasakyan na nasangkot sa nasabing aksidente.