Nakaligtas ang dalawang mangingisda sa paglubog ng kanilang bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Ballesteros.
Ayon kay Mariclaire Galano ng KAAKIBAT CIVICOM-Ballesteros, narescue ng mga nagpipicnic sa pampang at mangingisda ang biktimang sina Benny Bueno at Joey Abuywan, kapwa residente ng Macanaya, Aparri.
Alas 4;00 kaninang madaling araw ng pumalaot ang dalawang mangingisda subalit hinampas ng malalakas na alon ang kanilang bangka na dahilan ng pagtaob nito.
Gamit ang ilang bahagi ng bangka ay halos limang oras na nilangoy ng dalawa ang dagat hanggang sa mapadpad sa baybayin ng Centro East, Ballesteros kung saan sila nasagip.