Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang dalawang mangingisda na napaulat na nawawala matapos pumalaot noong Biyernes sa isla ng Calayan, Cagayan.

Nabatid na kasama ng 46-anyos na si Dominador Tangonan ang 25-anyos na si Rex Antonio nang umalis sila sa kanilang bahay sa Sitio Morol, Brgy. Camiguin papuntang Didicas island para mangisda bandang alas 3:00 ng madaling araw noong December 10.

Sa ulat ni Bombo Correspondent Joe Robert Arirao, sakay ang dalawa ng lampitaw na MB Madonna kung saan patuloy na nakararanas ng pag-uulan at malalakas na hangin sa isla.

Matatandaan na sa inilabas na gale warning ng PAGASA noong Biyernes ng umaga, kasama ang karagatan ng Cagayan sa makakaranas ng 2.8 hanggang 5.0 metrong taas ng alon ng dagat bunsod ng hanging Amihan.

Dahil sa walang biyahe dulot ng patuloy na nakataas na Gale warning ay problema ngayon sa isla ang suplay ng produktong petrolyo.

-- ADVERTISEMENT --