TUGUEGARAO CITY-Narekober ng mga otoridad ang mga matataas na uri ng baril sa tulong mga dating rebelde sa Sitio Ditapaya, Barangay San Jose, San Mariano, Isabela, kamakailan.

Sa tulong ng mga dating rebelde na sina “alyas kanoy” at alyas Dennis, narekober ng hanay ng 95th Infantry Battalion, Philippine Army katuwang ang PNP San Mariano at Regional Mobile Force Company ng PNP Region 02 nadiskubre ang arms cache na naglalaman ng isang M16 and one M14 rifles.

Batay sa report ng division public affairs office ng 5th ID, ipinagkatiwala umano ng isang lider ng NPA na nakilalang alyas Yuni o bogs kay alyas kanoy ang mga narekober na armas bilang opensiba kontra sa pamahalaan.

Patunay din umano ito na buo ang tiwala ng mga dating rebelde sa tropa ng pamahalaan at pagpapakita na handa silang tumulong para hangarin na wakasan ang insurhensya.

Resulta rin ito ng mga programa na ipinapatupad ng pamahalaan sa ilalim ng Whole-of-Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict sa probinsya ng Isabela para maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan na nasa liblib na lugar at makakatulong sa paghina ng pwersa ng NPA. with reports from Bombo Marvin Cangcang

-- ADVERTISEMENT --