Aminado ang dalawang menor-de-edad na suspek sa nangyaring magkasunod na panloloob sa Sta Barbara-Maguilling Elementary School sa bayan ng Piat.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PMSGT Arnel Basiwang ng PNP-Piat na sinira ng dalawang suspek na edad 12 at 15, na mag-aaral din sa nasabing pampublikong paaralan ang mga bintana at pinasok ang sampung classrooms noong September 5, Huwebes.
Natangay ng mga suspek ang P250 cash sa silid-aralan ng Grade 1 habang cellphone ng adviser ang nakuha sa silid ng Grade 2.
Ayon kay Basiwang, aminado din ang dalawang suspek na sila ang responsable sa panloloob sa naturang paaralan noong Lunes, September 2, kasama ang isa pa at tinangay ang P4,000 cash sa isang classroom.
Wala din umanong kaalam-alam ang mga magulang ng mga suspek na lumalabas sila sa gabi hanggang madaling araw.
Nai-turn over na ang mga suspek sa women’s and children’s protection desk ng PIAT PNP.
—with reports from Bombo Efren Reyes, Jr