TUGUEGARAO CITY-Boluntaryong sumuko sa himpilan ng PNP-Allacapan ang dalawang miembro ng New People’s Army ngayong araw, Enero 02, 2021.

Ayon kay P/major Antonio Palattao, acting chief of Police ng PNP-Allacapan, nagbalik loob ang dalawa na kinilala na sina alyas”Ayokan”, 30-anyos, residente ng Brgy. Logac, Lal-lo at alyas “Ka Bener”, 25-anyos na residente naman ng Brgy. Bessang, Allacapan dahil sa naranasang kahirapan sa bundok.

Aniya, tinulungan rin umano ng dating coordinator ng Anakpawis na una na ring sumuko sa pamahalaan ang dalawa para magbalik loob sa gobyerno.

Sinabi ni Palattao na si alyas Ayokan ay kasama sa naganap na ambush sa bayan ng Allacapan noong 2013 kung saan ilang SAF troopers ang binawian ng buhay habang nag-iikot naman sa bayan ng Lasam, Rizal at Sto niño si alyas Bener.

Isinurender din ng dalawa ang isang calibre 22 na baril.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Palattao na kasalukuyan na nilang inaayos ang dokumento ng dalawa para mapasama sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program or ECLIP ng pamahalaan na makakatulong para sa muling pagbangon ng kanilang buhay.

Sa ngayon, hawak na ng Provincial Intelligence Unit ng Cagayan ang dalawang sumukong miembro ng NPA para sa tamang disposisyon