
Humarap ngayong day 20 ng impeachment trial ang dalawang military officers bilang testigo ng prosecution team sa sinasabing maling paggamit ni Vice President Sara Duterte ng P612.5 million confidential funds.
Haharap sa witness stand sina Army Col. Manaros Boransing II at Army Col. Magtanggol Panopio.
Inaasahang magbibigay linaw ang dalawang military officers sa mga military certifications na ginamit ng Department of Education (DepEd) sa pagpapaliwanag sa paggastos ng natanggap na confidential funds noong kalihim si VP Duterte ng ahensya.
Matatandaang sa mga naunang araw ng impeachment trial, tinukoy na nagkaroon ang DepEd ng kabuuang P112.5 million confidential funds noong 2023.
Hiwalay pa ito sa P500 million confidential funds sa ilalim ng OVP.
Unang sasalang si Boransing at kapag natapos agad sa pagtatanong ng mga abogado at mga senador ay isusunod agad si Panopio.
Nasa 15 senator-judges ang present ngayong ika-20 araw ng impeachment trial.




