TUGUEGARAO CITY-Boluntaryong sumuko sa kapulisan ang dalawang miembro ng militia ng bayan na mula sa Rizal at Sto niño nitong araw ng Linggo, Enero 5,2020.

Ayon kay P/capt. Sharon Malillin, tagapagsalita ng PNP-Cagayan, sumuko si “alyas baylon”,27-anyos sa Rizal Police station at isang 67-anyos naman ang sumuko sa Sto Niño.

Sinabi ni Malillin na batay sa salaysay ng sumukong militia ng bayan na mula sa Sto niño, lagi umanong pumupunta ang mga rebeldeng grupo sakanyang kubo kung saan siya nagtatanim kung kaya’t naenganyo itong sumali sa kanilang hanay.

Isiniwalat naman ng sumukong mula sa Rizal na mula noong 2002 ay naging miembro na siya ng NPA.

Sinabi ni Malillin na ang pagsuko ng dalawa ay bunsod ng mga isinasagawang community based program kung saan nagtutungo ang kanilang hanay sa mga liblib na lugar upang iparating ang mga tulong na mula sa gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, sinabi ni Malillin na nasa kustodiya pa rin ng kapulisan ang dalawa habang pino-proseso ang dokumento ng dalawa para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).