Nasa kritikal ang lagay ang dalawang overseas Filipino workers sa Kuwait matapos na masunog ang gusali na kanilang tinutuluyan.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nasa intensive care unit (ICU) ng Adan hospital ang mga biktimang sina Julio Cabrera Montemayor at Michael Dizon.

Sinabi OWWA Administrator Arnell Ignacio, na nakikipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng Kuwait.

Tiniyak nito na kanilang agad na tutugunan ang mga kakailanganin ng mga biktima.

Pawang mga foreman at engineer ang nasabing mga biktima kung saan inabisuhanan na nila ang mga kaanak nito.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang nasa 49 katao ang nasawi sa pagkasunog ng gusali sa Kuwait kung saan pawang mga biktima ay mga dayuhang mangagawa.

Tinatayang mga 2,000 katao ang nakatira sa nasabing gusali.